PAGSAGOT SA TANONG

Huwebes, Abril 25, 2013

3 DAYS and 3 NIGHTS, SABLAY ang MUSLIM


3 DAYS and 3 NIGHTS, SABLAY ang MUSLIM

NAGBINTANG ang MUSLIM na si Abdulgafoor B. Ahmad sa PANGINOONG HESUS: SABLAY daw ang PANGINOONG HESUS sa Matthew 12:40.

Ang PAGBIBINTANG NIYA ay SINAKYAN PA ng mga MUSLIM na SINA Dmac Ryan, Hari ng Sablay, Ben Lancuyan at Raihana Darangina Hadjiazis.

SABI ng MUSLIM na si ABDULGAFOOR B AHMAD.

"mga kaibigan mgbasa lang kau at maunawaan nyo kung paanu mayron sablay na salita si kristo kasi sa nya sa Mateo 12: 40 “Ito ay sapagkat kung paanong si Jonas ay nasa loob ng tiyan ng balyena sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, gayundin naman ang Anak ng Tao. Siya ay pupunta sa kailaliman ng lupa sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi

ngaun alamin ntin kung tutugma ang sinasabi nya kung hndi tutugma malinaw na sablay siya.

ang tatlong araw at tatlong gabi 72 hrs yan ok mgsab tau

Inilibing si Hesus bago lumubog ang araw ng miyerkules, na nagsimula araw ng huwebes sa kalendaryo ng mga hudyo. Kung gagamitin ang kalendaryong hudyo, huwebes ng gabi (unang gabi), araw ng huwebes (unang araw), biyernes ng gabi (ikalawang gabi), araw ng biyernes (pangalawang araw), sabado ng gabi (ikatlong gabi), araw ng sabado (pangatlong araw). Hindi natin eksaktong nalaman kung kailan Siya nabuhay na magmuli, subalit alam natin na nangyari ito bago pa man sumikat ang araw noong araw ng linggo (Juan 20: 1, pumunta si Maria Magdalena “habang madilim pa” at natagpuang naalis na ang bato sa pintuan ng libingan at natagpuan niya si Pedro at sinabihan niya itong “kinuha nila ang Panginoon sa libingan”) samakatuwid maaring nabuhay si Hesus na magmuli pagkatapos pa lang lumubog ng araw noong gabi ng sabado, na unang araw naman ng linggo para sa mga hudyo.

ngaun bilagin ntin kung ilang oras ung mula ng inilibing xa ng bago lumubog ang araw ng miyerkules. ipagpalagay mo mga 5 pm na oras yan ngaun anung araw nmn xa nabuhay hndi ito binangit sa biblia pero ayos sa nangyari ito bago pa man sumikat ang araw noong araw ng linggo (Juan 20: 1, pumunta si Maria Magdalena “habang madilim pa” at natagpuang naalis na ang bato sa pintuan ng libingan sa makatuwid bagu pa sumikat ang arw sa linggo.

kung buhay lng si Albert Einstein na mathematician mababaliw xa kung paanu nya gawin 3 days at 3 nyt yan halos 2 days lng yan mga kaibigan."

+++

Ang PUNTO ng MUSLIM ay SINABI ng PANGINOONG HESUS na "kung paanong si Jonas ay nasa loob ng tiyan ng balyena sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, gayundin naman ang Anak ng Tao."

At ang PUNTO pa NIYA ay ang "tatlong araw at tatlong gabi" ay "72 hrs yan."

Tapos, ang KONKLUSYON ng MUSLIM na si ABDULGAFOOR B. AHMAD ay "SABLAY" ang PANGINOONG HESUS dahil HINDI RAW UMABOT ng "72 ORAS" sa LIBINGAN ang PANGINOONG HESUS.

+++

SUMABLAY nga ba ang PANGINOONG HESUS?

HINDI.

Una, WALA NAMANG BINANGGIT na "72 ORAS" ang PANGINOONG HESUS.

Ang SINABI NIYA ay "TATLONG ARAW at TATLONG GABI." (mamaya natin titingnan ang kahulugan niyan.)

So, kung WALANG BINANGGIT na "72 ORAS" ang PANGINOONG HESUS ay PAANO SIYA SUMABLAY KAUGNAY RIYAN?

+++

SINO ang NAGBANGGIT ng "72 ORAS"? HINDI BA ang MUSLIM LANG na si ABDULGAFOOR B. AHMAD?

Si ABDULGAFOOR ang NAGBANGGIT so SIYA ang SUMABLAY dahil NAGDAGDAG SIYA ng HINDI naman SINABI ng PANGINOONG HESUS.

Tapos, PAGBIBINTANGAN NIYA ang PANGINOONG HESUS na SUMABLAY DAW.

+++

ITONG mga MUSLIM ay MAHILIG MAG-IMBENTO ng mga SABLAY tapos ay IBIBINTANG sa PANGINOONG HESUS, sa BIBLE o sa mga KRISTIYANO ang SABLAY NILA.


BAKIT SILA GANOON?

+++

Ngayon, ang SINABI ng PANGINOONG HESUS ay "TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

KATUMBAS ba yan ng 72 ORAS?

HINDI.

Ang "TATLONG ARAW at TATLONG GABI" ay isang KAWIKAAN o IDIOMATIC EXPRESSION ng mga HEBREO. Ang KAWIKAAN o IDIOMATIC EXPRESSION ay HINDI LITERAL.

Parang sinabi natin na "BUONG MAGHAPON at BUONG MAGDAMAG KITANG HININTAY ..."

LITERAL BA YAN? LITERAL bang 24 ORAS ang TINUTUKOY NATIN DIYAN?

HINDI. KAWIKAAN lang yan.

+++

Sa mga HUDYO, ang KAHULUGAN ng KAWIKAAN na "TATLONG ARAW at TATLONG GABI" ay PANAHON na SASAKLAY sa TATLONG ARAW.

Kaya KAUGNAY sa PAGKAMATAY at PANANATILI ng PANGINOONG HESUS sa LIBINGANG ay TAMANG-TAMA ang SINABI NIYA sa Matthew 12:40.

Ang PANGINOONG HESUS ay NALIBING ng BIERNES (UNANG ARAW). NANATILI SIYA sa LIBINGAN ng BUONG ARAW ng SABADO (PANGALAWANG ARAW). At BUMANGON SIYA sa ARAW ng LINGGO (IKATLONG ARAW).

KAWIKAAN na "TATLONG ARAW at TATLONG GABI" = SAKLAW na TATLONG ARAW: BIERNES, SABADO, LINGGO.

WALANG SABLAY ang PANGINOONG HESUS.

Ang SABLAY ay ang MGA MUSLIM na MAHILIG MAGBINTANG nang MALI sa PANGINOONG KRISTO.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento